Sunday, August 15, 2010

Agos

Sa bandang gitna ng nakakasulasok na silid
Naroroon ang hinintay na kapalaran
Walang makapipigil, kahit pa magdaan sa gilid
Hindi na ma-ipinta ang panaginip sa katotohanan

Maikakanta pa ba ang awit ng kahapon?
Araw ng mga nakalipas, maituturing ng kupas
Alam na matagal ng dapat itinapon
Saan nagkulang, saan lumagpas?

Ngayon, ang bagyo ng kapalara'y itinuturo ako
Lumapit ng hindi masaktan sa iyo
Ibulong sana na 'di masisira ang pangako
Kailangang makaalis na sa lupang ibayo

Ilang ulan man ang naitalang signos
Luluha at dadanak pa din ang tubig
Dapat bang sumabay sa agos?
O umasa sa pangakong pag-ibig?

No comments:

Post a Comment