Wednesday, August 18, 2010

Sa tubig

Tignan ang sarili sa tila'y salamin
Walang makitang nakititig sa sarili
Saang banda dapat tumingin?
Sa pagkawala na laging nawiwili

Anong dagat, anong lupa?
Dapat bang tumigil sa gitna?
Pasintabi sa nagkakandarapa
Uhaw na uhaw na sa pagkalaya

Walang direksyon, walang mapa
Saan galing? Saan pupunta?
'Di na makatayo't puro sugat pa
Anong hugis, bakit 'di maipinta?

Baybayin ang dagat ng pag-asa
Anong nag-aabang, gusto ng tuklasin
Lunurin na ang mga umaasa
Hinaharap, gusto ng alamin

No comments:

Post a Comment